MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA ![]()
Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng EDSA People Power Monument, Barangay Camp Aguinaldo sa Linggo, September 21, 2025.
Ito ay dahil sa isasagawang ‘Trillion Peso March’ ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT), Simbahan at Komunidad Laban sa Katiwalian (SIKLAB), Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM), Taumbayan Ayaw sa Magnanakaw at Abusado Network Alliance (TAMA NA).
Magtitipon-tipon ang mga lalahok sa EDSA Shrine at Temple Drive, bago magmartsa patungong People Power Monument.
Magkakaroon ng Misa ng 9:45 AM bilang bahagi ng kanilang pre-program at opsiyal namang magsisimula ang kanilang programa ng 2:00 PM at magtatapos bago mag 6:00 PM.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina at Quezon City Police District (QCPD) para maisaayos ang inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
May mga marshall din na itatalaga ang mga organizer para matiyak ang kaayusan ng protesta.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.






