MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA ![]()
Pansamantalang isasara ang bahagi ng North Avenue lane papuntang Elliptical Road simula bukas September 24, 2025 hanggang November 30, 2025. Ito ay para bigyang daan ang konstruksyon ng Quezon Memorial Circle Station pedestrian tunnel ng MRT line 7 ng Department of Transportation (DOTr) at SMC Mass Transit 7 Incorporated.
Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta. Sa mga manggagaling sa North Ave., maaring kumanan sa Sen. Miriam Defensor-Santiago Ave., at kumaliwa sa Quezon Avenue papuntang Elliptical Road.
Maaari pa ring daanan ang North Avenue lane na bahagi ng Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center. Mananatili namang bukas at madadaanan ang kabilang lane mula Elliptical Road papuntang Veterans Memorial Medical Center.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina at Quezon City Police District (QCPD) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.





