MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA ![]()
Pansamantalang isasara ang daloy ng trapiko sa mga sumusunod na kalsada simula 12:00 AM hanggang 8:00 PM ng September 28, 2025 (Linggo), dahil sa isasagawang pagdiriwang ng QC Chinatown Mid-Autumn Mooncake Festival 2025:
• Banawe Street corner Del Monte Avenue
• Banawe Street corner G. Roxas Street
Magtutulungan at nakaantabay din ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina at Quezon City Police District (QCPD) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.





