MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA ![]()
Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga sumusunod na kalsada sa September 7, 10, at 14, 2025, mula 2:00AM – 7:00AM at 2:00PM – 7:00PM, upang bigyang-daan ang isasagawang 2025 Bar Examinations na gaganapin sa New Era University (NEU) sa kahabaan ng Central Avenue, Quezon City:
• Commonwealth Ave. papasok ng Central Ave.
• Visayas Ave. papasok ng Central Ave.
Samantala, mananatili namang bukas ang iba pang kalsada para sa regular na daloy ng trapiko, ngunit mahigpit na ipapatupad ang NO PARKING sa kahabaan ng Central Avenue.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang SALUBONG, PANINIGARILYO, at MAGUGULO/MAIINGAY NA AKTIBIDAD sa kahabaan ng Central Avenue.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.





