MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Magpapatupad ng dry run ng stop-and-go left-turn scheme ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Commonwealth Avenue eastbound papasok ng Tandang Sora Avenue tuwing rush hour sa hapon hanggang gabi. Sisimulan po ‘yan bukas June 17, 2023 mula 4:00 PM hanggang 8:00 PM sa loob ng dalawang linggo.
Layunin ng stop-and-go left-turn scheme na mabawasan ang volume ng traffic tuwing rush hour sa hapon sa mga papasok ng Visayas Ave. mula Elliptical Rd. at sa mga gumagamit ng u-turn slot sa tapat ng Shopwise Don Antonio.
Magde-deploy ng karagdagang traffic personnel ang lungsod para tulungan ang mga dumadaang motorista.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.