Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Pansamantalang isasara ang Katipunan Kaliwa St. / Lokaria St. sa Brgy. Bagbag mula Mindanao Avenue hanggang King Alexander St. simula bukas, March 30 ng 10:00 PM hanggang April 6, 2026 ng 4:00 AM. Ito’y upang bigyang-daan ang konstruksyon ng underpass kaugnay ng NLEX–C5 Northlink Segment 8.2 Section 1A project.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta at planuhin ang biyahe nang mas maaga.
Magtatalaga rin ng traffic enforcers upang tumulong sa pamamahala ng daloy ng trapiko, at maglalagay ng directional signs para gabayan ang mga motorista.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.







