Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Pansamantalang isasara ang tatlong lane ng P. Tuazon Blvd. mula JP Rizal hanggang Katipunan Avenue sa May 2, 2026 (Sabado), mula 7:00 AM hanggang 11:00 PM bunsod ng mga isasagawang aktibidad ng Katuwang ng Bawat Tahanan Foundation sa pagdiriwang ng Feast of St. Joseph the Worker.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, at Quezon City Police District (QCPD) para maisaayos ang inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.





