MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Magkakaroon ng TEMPORARY FULL ROAD CLOSURE sa bahagi ng Cambridge St., mula K-9th St., West Kamias hanggang Ermin Garcia St., Brgy. E. Rodriguez, Quezon City, para sa konstruksyon ng QCitizen Homes – Cambridge.
Isasara ang kalsada upang bigyang-daan ang isasagawang concrete pouring at matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa, motorista, at pedestrian.
September 23, 2026 (Wednesday) – Tower B
1:00 PM onwards
September 25, 2026 (Friday) – Tower A
10:00 AM onwards
October 16, 2026 (Friday) – Tower A
10:00 AM onwards
October 20, 2026 (Tuesday) – Towe B
10:00 AM onwards
October 23, 2026 (Friday) – Tower A
10:00 AM onwards
Ang mga karagdagang road closure ay ipatutupad bukod sa kasalukuyang one-way traffic management arrangement sa lugar:
• 8:00 PM hanggang 5:00 AM tuwing Lunes hanggang Sabado
• Buong araw tuwing Linggo at mga idineklarang holiday
Pinapayuhan ang mga motorista at residente na maglaan ng karagdagang oras sa biyahe at gumamit ng alternatibong ruta kung kinakailangan.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.







