MAHALAGANG ABISO SA MOTORISTA![]()
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga kalsada sa paligid ng iba-ibang sementeryo sa Quezon City at karatig lungsod ngayong Undas mula Oct. 31 hanggang Nov. 2, 2026 bunsod ng dagsa ng mga bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Magpapatupad ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) ng traffic scheme sa mga kalsada sa paligid ng mga sumusunod na sementeryo:
•Bagbag Cemetery
•Novaliches Cemetery
•Manila North Cemetery
•San Juan Cemetery
•Himlayang Pilipino
•Recuerdo Memorial Garden
•Holy Cross Memorial Park
•Eternal Garden Memorial Park
•Baesa Columbarium
Nakaantabay rin ang mga tauhan ng TTMD sa mga sumusunod na bus terminal para umalalay sa mga bibiyaheng residente:
•Araneta Center Bus Terminal
•Victory Liner (Denver St., Brgy. Pinagkaisahan)
•Five Star Bus (Montreal St. & EDSA, Brgy. E. Rodriguez)
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Salamat po sa inyong pang-unawa.










