Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakaantabay ang mga tauhan ng QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) sa itinalagang command post sa harapan ng National Housing Authority (NHA) bunsod ng ikinasang transport strike ng grupong PISTON ngayong araw.
Nag-deploy na rin ng mga traffic personnel ang TTMD, QCPD, at MMDA sa iba-ibang rally points sa lungsod upang matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko at masiguro ang kaligtasan ng mga bumibiyaheng pasahero.








