Sumailalim sa Training Course on 5S Quality Workplace ang iba-ibang kawani ng lokal na pamahalaan upang mas mapalawak at mapanatili ang ISO 9001:2015-Certification ng Quality Management System (QMS) sa lungsod.
Iba-ibang departamento mula sa Economic Development, Institutional Development, Poverty Reduction and Social Development, at Infrastructure, Urban Planning and Development clusters ang dumalo sa pagbuo ng kaalaman at pagpapahalaga sa mga konsepto ng 5S.
Layunin ng lungsod na patuloy na maipatupad ang Quality Workplace Standard sa bawat kagawaran at departamento nito.