Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Congratulations, Quezon City!
Kinilala ang lungsod bilang recipient ng “Transforming Food Environments: Addressing Policy, Market and Urban Design Drivers of Health and Nutrition” award ng World Health Organization (WHO).
Isinusulong ng QC ang pagkakaroon ng masustansiya at sustainable na pagkain sa mga city-run settings, kabilang ang mga ospital, social welfare institutions, at feeding programs.
Nakatulong ang mga polisiya, green public procurement, executive order, at nakalaang pondo upang maisabuhay at maisakatuparan ang healthy food choices para sa iba-ibang sektor ng komunidad.
Ang 2026 WHO Healthy Cities Recognition Awards ay iginawad sa 11th Global Conference of the Alliance for Healthy Cities sa Sydney, Australia.






