QC HEALTH, AWARD-WINNING! ![]()
![]()
Tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang dalawang pagkilalang iginawad sa Quezon City Health Department para sa mga programa at polisiya ng lungsod na kumakalinga sa kalusugan at kapakanan ng bawat QCitizens.
Iginawad sa lungsod ang “Transforming Food Environments: Addressing Policy, Market and Urban Design Drivers of Health and Nutrition” award mula sa World Health Organization.
Dahil sa patuloy na pagsusulong ng QC sa pagkakaroon ng masustansiya at sustainable na pagkain sa mga city-run settings tulad ng mga ospital, social welfare institutions, at feeding programs.
Muli namang kinilala bilang 2025 Green Banner Seal of Compliance Awardee ang lungsod ng National Nutrition Council dahil sa mga programang nakatuon sa pagpapabuti sa nutrisyon at kalusugan ng QCitizens.









