QC supports Trans* Health advocacy!
Nilagdaan ni Mayor Joy Belmonte at nina Anastacio Marasigan, Jr. ng TLF Share, Magdalena Robinson ng Trans* Health Philippines, Teresita Bagasao ng EpiC Philippines, at Dr. Ame Lopez ng Philippine Professional Association for Transgender Health ang Memorandum of Understanding bilang tanda ng pakikiisa ng pamahalaang lungsod sa pagsulong ng Trans* health programs.
Ibinahagi ng TLF Share at Trans* Health Philippines ang mga adbokasiya na nakapaloob sa QC STARS (Strategic Trans* Health Access to Resources and Services Program).
Kabilang sa QC STARS ang pagsasagawa ng Gender-affirmation Code of Conduct, Trans* Health Information Campaign, Trans* Competent Health Services, Health Providers Network, at pagsasabatas ng Gender-affirming Health Care Ordinance.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga organisasyon tulad ng TLF Share, Trans* Health Philippines, EpiC Philippines, at Philippine Professional Association for Transgender Health.