Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang inspeksyon sa Transition Housing na pinangangasiwaan ng Housing Community Development And Resettlement Department (HCDRD) sa Barangay Bagong Silangan.
Pinakinggan ng alkalde ang mga hinaing ng 42 pamilyang pansamantalang naninirahan sa pasilidad bago sila mailipat sa dekalidad na pabahay ng lungsod.
Sa pasilidad namamalagi ang mga pamilyang dating naninirahan sa ilalim ng tulay mula sa mga barangay ng Bahay Toro, Balonbato, at Unang Sigaw.
Libre ang paninirahan ng mga nilikas, babayaran na lamang nila ang kanilang konsumo ng kuryente at tubig.
Nakiisa sa inspeksyon sina Chief of Staff Rowena Macatao, HCDRD head Atty. Jojo Conejero, P/B Ras Doctor, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, at Quezon City Police District Director PBGEN. Randy Glenn Silvio.










