Maagang nagtalaga ng mga traffic enforcer ang Transport Management Department (TTMD) sa paligid ng People Power Monument, Brgy. White Plains, at EDSA Shrine.
Tinitiyak ng TTMD na maayos ang daloy ng trapiko at magabayan ang mga motorista kasabay ng pagtitipon ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC).
Nakaantabay din ang Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, Quezon City Police District (QCPD), QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang masiguro ang kaayusan, kaligtasan, at maayos na koordinasyon sa lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na sumunod sa mga traffic advisory at makipagtulungan sa mga traffic enforcer para sa ligtas at maayos na biyahe.










