Naging aktibo ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) sa pagbabantay ngayong undas upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko.

Nagdeploy ang TTMD ng mga tauhan sa iba-ibang bus terminals sa lungsod para i-monitor ang sitwasyon at gabayan ang mga pasahero.

Nagtalaga naman ng traffic enforcers sa mga matataong lugar upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko at maalalayan ang mga bumibisita sa sementeryo.

Katuwang din ang QC Police District, Department of Public Order and Safety, Task Force Disiplina, Barangay Public Order and Safety Officers, QC Disaster Risk Reduction and Management Office, Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City, Market Development and Administration Department, at Bureau of Fire Protection sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na paggunita ng #Undas2024.

+5