Maagap na napaghandaan ng QC Government ang napipintong tigil pasada ng iilang transport groups mula April 15 (Lunes) hanggang April 16 (Martes).
Tuloy ang mga biyahe ng ating QCity Bus, at handa itong i-dispatch kung may maiulat na stranded commuters. Naka-standby rin ang mga service vehicles ng Pamahalaang Lungsod, QCPD, MMDA, LTFRB, AFP, pati na rin ng 142 Barangays ng Quezon City, kung sakaling kailanganing mag-dispatch ng mga sasakyan para sa mga stranded commuters.
Magtatalaga din ng mga Traffic Enforcers ang QC Traffic and Transport Management Department sa mga pangunahing lansangan upang imonitor ang sitwasyong dulot ng transport strike at para gumabay sa mga pasahero. Kung may mapansin kayong stranded commuters, mangyaring tumawag sa QC Helpline 122 upang sila ay matugunan.
Maraming salamat sa inyong kooperasyon, at tandaan, lagi nating pag-ibayuhin ang pag-iingat sa tuwing tayo ay nasa lansangan.