Patuloy ang pag-alalay ng Pamahalaang Lungsod sa mga pasahero sa ikalawang araw ng transport strike ng grupong Manibela at Piston.
Nakahanda ang mga Q City Bus, e-trikes, QC-owned vehicles, at barangay vehicles para maghatid ng libreng sakay sa mga pasaherong maaapektuhan ng tigil pasada.
Nakaantabay naman ang mga tauhan ng QC Police District (QCPD) at Traffic and Transport Management Department (TTMD) upang gabayan ang mga motorista at pasahero na posibleng maapektuhan ng mga aktibidad sa transport strike.
Para sa karagdagang detalye at schedule ng bus service, i-click ang link na ito: https://www.facebook.com/share/p/Ut2ghQTvoBZDwhrh/?mibextid=oFDknk