Nakaantabay ang Q City Bus units at e-trikes ng pamahalaang lungsod at ilang barangay vehicles upang magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero na maaapektuhan ng transport strike ng grupong Manibela ngayong araw.
Nananatili namang naka-monitor ang mga tauhan ng QC Traffic and Transport Management Department at Department of Public Order and Safety upang umalalay sa mga motorista at pasahero.
Patuloy lamang ang libreng sakay ng QCity Bus sa walong ruta nito. Para sa karagdagang detalye at schedule ng bus services, i-click ang sumusunod na link: https://www.facebook.com/share/p/VwySZoiTNe3DX66j/?mibextid=oFDknk




