Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Maagang umalalay ang mga service vehicles ng iba-ibang barangay sa lungsod upang magbigay ng libreng sakay para sa mga QCitizen na naapektuhan ng ikinasang tigil pasada ng grupong Manibela ngayong araw.
Naka-monitor naman ang mga tauhan ng QC Traffic and Transport Management Department, Quezon City Police District, at MMDA upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at pasahero.
Patuloy din ang libreng sakay ng QCity Bus sa walong ruta nito. Para sa karagdagang detalye at schedule ng bus services, tingnan ang link na ito:
https://www.facebook.com/QCGov/posts/1256134503367853








