Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Patuloy ang pag-alalay ng Pamahalaang Lungsod sa mga motorista at commuter na apektado ng ikinasang tigil-pasada ng grupong Manibela.
Inaasahang tatagal ang transport strike ng grupo hanggang bukas, April 17, 2026.
Nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) upang matiyak ang kaayusan at daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar.
Tuloy-tuloy din ang paghahatid ng libreng sakay ng QCity Bus sa walong ruta nito. Para sa karagdagang detalye at schedule ng bus services, tingnan ang link na ito: https://www.facebook.com/QCGov/posts/1256134503367853








