Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Patuloy ang pag-alalay ng Pamahalaang Lungsod sa mga commuter na apektado ng ikinasang 3-araw na tigil-pasada ng grupong Manibela.
Upang matiyak na may masasakyan ang bawat QCitizen, tuloy-tuloy ang libreng sakay ng QCity Bus sa walong ruta nito. Handang umalalay sa mga apektadong pasahero sa lungsod.
Nakaantabay rin ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) upang masigurong maayos ang daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar.
Para sa karagdagang detalye at schedule ng QCity bus service, tingnan ang link na ito: https://www.facebook.com/QCGov/posts/1256134503367853










