Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Tuloy-tuloy ang serbisyong libreng sakay hatid ng QCity Bus sa mga pasaherong apektado ng transport holiday sa Lungsod Quezon ngayong Lunes.
Nakahanda ang mga e-trike ng Department of Public Order and Safety-Green Transport Division (DPOS-GTD) at may karagdagang bus rin ang QC General Services Department (GSD) para magbigay ng libreng sakay.
Nakaantabay din ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod Quezon upang masigurong maayos ang daloy ng trapiko sa gitna ng mga aktibidad ng transport strike.
Narito ang kumpletong ruta at schedule ng Q City Bus:
https://www.facebook.com/share/p/188tf3E94W/?mibextid=wwXIfr








