Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang isa sa mga exchange booth ng Trash to Cashback (T2C) program sa Barangay Matandang Balara.
Inalam ni Mayor Joy sa mga komunidad kung paano sila natutulungan ng T2C, na isa rin sa mga hakbang ng lokal na pamahalaan para mabawasan at mai-recycle ang mga single use plastics.
Isa ang alkalde sa mga lider sa iba-ibang siyudad sa mundo na napili ng Singapore-based international news agency na Channel News Asia.
Itatampok ng CNA ang mga programa para sa kalikasan na layong tugunan ang climate change.




