Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ating 83rd Foundation Anniversary ng Quezon City, handog ng Office of the City Mayor ang karagdagang insentibo sa #QCTrashtoCashback ngayong Oktubre para sa inyong mga naipong recyclable materials.
Ang unang sampung (10) eco-warriors kada araw na magpapapalit ng mga recyclable at single-use plastics (SUP) na may katumbas na 83 Environmental Points ay maaaring makatanggap ng limang (5) kilo ng bigas.
I-ready na ang inyong recyclable materials, QC Eco-Warriors!
Para sa mga katanungan o updates tungkol sa #QCTrashtoCashback, i-like at follow ang Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department Facebook page.