KABATAANG QC PARA SA KALIKASAN!
Nasa 50 daycare children kasama ang kanilang mga magulang ang nakaiisa sa Tree and Me: A Tour of La Mesa Eco-Park ngayong araw.
Layon ng programa na maipaunawa sa mga kabataang QCitizens ang kagandahan ng Eco-Park na tinaguriang ‘last lung’ ng Metro Manila. Kasama sa educational tour ang pagpapaliwanag sa mga kabataan ng importansya ng pangangalaga sa kalikasan at ang mga hayop na naninirahan dito.
Bahagi ng adhikain ni Mayor Joy Belmonte na lalo pang maparami ang mga green and open spaces sa Lungsod Quezon para sa QCitizens.
Pinangunahan nina Committee on Environment and Climate Change Adaption Chairperson, Councilor Vito Sotto Generoso ang walk tour kasama sina Climate Change and Environmental Sustainability Department head Andrea Villaroman, Bess Par ng Manila Water Foundation, at mga kawani ng Social Services Development Department.




