Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsagawa ang Parks Development and Administration Department (PDAD) ng tree clearing operations sa iba’t ibang bahagi ng Quezon City kasunod ng malalakas na pag-ulan.
Isinagawa ang clearing operations sa Barangay North Fairview, Barangay Kamuning, Barangay Milagrosa, Barangay Pinyahan, at Barangay Katipunan.
Patuloy na kumikilos ang Quezon City Government upang matugunan ang mga epekto ng malakas na pag-ulan at mapanatili ang kaligtasan ng mga QCitizen.










