Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sa gitna ng pananalasa ng #HabagatPH na pinalalakas ng Tropical Cyclone Dolphin sa labas ng PAR, patuloy ang isinasagawang tree trimming activity ng Parks Development and Administration Department (PDAD) sa iba-ibang bahagi ng Lungsod Quezon.
Kasama sa mga natugunang barangay ang Laging Handa, San Jose, Loyola Heights, Horseshoe, Sacred Heart, Culiat, at sa paligid ng Quezon City Hall compound.
Maaaring tumawag sa QC Helpline 122 para mag-request ng tree trimming sa PDAD ngayong maulan.










