Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Upang matiyak ang kaligtasan ng QCitizens ngayong maulan, patuloy ang isinasagawang tree trimming operations ng mga kawani ng Parks Development And Administration Department sa Lungsod Quezon.
Kasama sa operasyon ang pagsasaayos ng mga natumba at nakahambalang na puno sa mga barangay ng Culiat, Katipunan, Kaligayahan, Tandang Sora, Balingasa, Bagong Pag-Asa, at sa paligid ng Sergio Osmeña Senior High School.










