Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad na nagsagawa ng tree trimming operations ang mga kawani ng Parks Development and Administration Department (PDAD) ngayong kasagsagan ng #HabagatPH sa Lungsod Quezon.
Bahagi ng operasyon ang mga nakahambalang na mga puno sa mga barangay ng Krus na Ligas, Bahay Toro, Holy Spirit, Culiat, Pasong Tamo, Pinyahan, Bagong Lipunan, Milagrosa, at sa paligid ng Quezon City High School at Amoranto Sports Complex.
Maaaring tumawag sa QC Helpline 122 upang mag-request ng tree trimming sa PDAD habang nanalasa ang #HabagatPH.










