It’s beginning to look a lot like Christmas.
Bilang hudyat ng pagdiriwang ng kapaskuhan, pinailawan na noong Biyernes ang makulay na Christmas tree sa Ayala Malls Trinoma!
Kasama sa selebrasyon sina Vice Mayor Gian Sotto, Majority Floor Leader Doray Delarmente, Coun. Bernard Herrera, Coun. TJ Calalay, at District 1 Action Officer Ollie Belmonte bilang mga kinatawan ng pamahalaang Lungsod Quezon.
Tampok naman sa ginanap na christmas tree lighting ang performance mula sa Kammerchor Manila at bandang Lola Amour.