Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bukas na ang Tuklas QC: The Numbers Behind Progress exhibit sa QC M.I.C.E. center!
Tampok sa exhibit ang mahahalagang datos na nagpapakita ng pag-unlad ng Quezon City sa iba’t ibang sektor, kabilang ang social services, economic development, environment, infrastructure, at institutional development.
Bilang dagdag na malikhaing elemento, tampok din ang mga likhang-sining ng Art’e Bauan Artists.
Bahagi ito ng pagdiriwang ng 37th National Statistics Month, na inorganisa ng Quezon City Planning and Development Department. Bukas sa publiko ang exhibit hanggang October 30, 2026.










