Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa oryentasyon ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) program na pinangunahan ng opisina ni District 2 Rep. Ralph Tulfo para sa mga residente ng Barangay Bagong Silangan.
Aabot sa 735 ang mga benepisyaryo nito sa naturang barangay na magbibigay ng oportunidad para sila ay makapagtrabaho at kumita.
Ibinalita rin ni Atty. Joren Tan, kinatawan ni D2 Rep. Tulfo, na ang proyekto ni Mayor Joy na higit 1,000 Urban Farms sa QC ay naging inspirasyon para sa mga mambabatas upang ubuuin at ihain ang House Bill No. 10149 na layong makatulong bilang sagot sa food security ng bansa.