Napagkalooban ng Tulong Pangkabuhayan ang 100 magulang at kaanak ng mga child laborers. Sila ay tumanggap ng bigasan, makinang panahi at negosyo cart sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o DILEEP .

Pinangunahan ni PESO Head Rogelio L. Reyes at DOLE-NCR QCFO Director Martin T. Jequinto ang turnover ng livelihood assistance sa mga nasabing benepisyaryo.

Napili ang mga benepisyaryo mula sa mga naitala sa malawakang child labor profiling ng lungsod. Pumirma din sila ng kasunduan na tuluyan na nilang ipagbabawal na bumalik sa kalsada ang kanilang mga anak upang magtrabaho.

Layunin ng DILEEP na matulungan ang bawat pamilya na matustusan ang mga pangunahing pangangalangan at tuluyan nang maialis ang kanilang mga anak mula sa child labor.

+26