Isa na namang hakbang tungo sa mas inklusibo at mas bukas na oportunidad para sa lahat! ![]()
Inilunsad ng Quezon City Human Resources Management Department (QCHRMD), sa pangunguna ni Atty. Noel del Prado, ang TULOY: An Inclusive Transition Program for Student Interns with Special Needs sa ilalim ng Quezon City Internship Program (QCIP), noong May 12, 2026.
Layon ng programa na tulungan ang mga dating QCIP intern na Person with Disability (PWD), sa kanilang paglipat tungo sa mas maraming oportunidad sa trabaho, kabuhayan, at skills development , kasama rin ang suporta para sa kanilang mga magulang at guardians.
Dumalo sa programa ang mga benepisyaryo at ang kanilang mga pamilya, pati na rin ang mga kinatawan mula sa Human Resource Management Department (HRMD), Persons with Disability Affairs Office (PDAO), at Quezon City Training and Assessment Center (QCTAC).
Nakiisa rin ang mga opisyal mula sa Quezon City Youth Development Office (QCYDO), Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO), at Public Employment Service Office (PESO).
Patuloy ang Quezon City sa pagtataguyod ng mga programang nagbibigay ng patas, accessible, at makataong oportunidad para sa bawat QCitizen. ![]()
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: bit.ly/QCIP-TULOYGuidelines









