Inilunsad ng Lalamove ang Tuloy Biyahe Program sa Lungsod Quezon katuwang ang Public Employment Services Office sa Risen Garden ngayong araw.

Tumayong kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si Assistant City Administrator for Fiscal Affairs Don Javillonar.

Layunin ng naturang programa na magbigay ng flexible livelihood opportunities sa mga PUV, PUJ at TODA drivers na nais maging partner-driver ng Lalamove.

Bukas din ang programa para sa mga walang sasakyan, sa tulong ng mga partner ng kumpanya tulad ng Global Dominion Financing Inc., Premium Bikes, Bank of the Philippine Islands, Lalamove Automotive, at ang Driver-fleet Operator Matching ng Lalamove ay maaari nang magkaroon ng sariling sasakyan o maging driver-partner ng operators ang mga benepisyaryo.

Bahagi rin ng programa ang driver onboarding, vehicle loan lane, at driver safety workshop.

#TayoAngQC

+14