Kaisa ang QC sa pagsugpo ng karahasan sa mga kababaihan. ![]()
Nagsama-sama sina Mayor Joy Belmonte, mga katuwang na ahensya ng pamahalaan, at pribadong sektor para sa makabuluhang Tunnel Lighting Ceremony bilang pagsisimula ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW).
Sa pag-iilaw ng tunnel ng kulay kahel, muling pinagtibay ng Lungsod Quezon ang pangako nitong protektahan at itaguyod ang karapatan, dignidad, at seguridad ng bawat kababaihan.
Kasama sa programa sina Philippine Commission on Women Chairperson Ermelita Valdeavilla, United Nations Resident Coordinator in the Philippines Mr. Arnaud Peral, at SM Supermalls VP for Corporate Compliance Engr. Liza B. Silerio.
Nakiisa rin sina UN Gender Theme Groups Chair at United Nations Population Fund Rep. Neus Bernabeu, ang Likhaan Center for Women’s Health, at Pambansang Koalisyon ng Kababaihan sa Kanayunan, Inc.








