Bilang bahagi ng selebrasyon ng Autism Conciousness Week, ibinahagi ng Boundless Possibilities Foundation, Inc. ang isang obra na likha ng tinaguriang Gentle Giants ng BPFI.
Malugod na tinanggap nina Mayor Joy Belmonte atVice Mayor Gian Sotto ang eco-friendly artwork na gawa sa recycled materials.
Nakiisa sa turnover sina BPFI Chairperson Josephine Palomares, QC Persons with Disability Affairs Office chief Deborah Dacanay, at mga konsehal.
Alinsunod sa Proclamation No. 711 series of 1994, idineklara ang ikatlong linggo ng Enero bilang Autism Consciousness Week upang paigtingin ang kamalayan mg publiko ukol sa autism spectrum.