Personal na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang donasyong assistive devices mula sa tanggapan ng Akay ni Sol Partylist ngayong araw.
Binubuo ito ng loot bags, wheelchairs, single and quad canes, crutches, walker, walking sticks, at mga elbow crutches.
Kasama ng alkalde sa turn over ceremony si Persons With Disability Affairs Office head Debbie Dacanay at mga kinatawan ng Akay ni Sol Partylist.
Nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan sa inyong donasyon na tiyak na magagamit ng nangangailangang QCitizens!


