BAGONG WEATHER STATION NG QC!
Ganap nang nai-turn over sa Quezon City Government ang bagong Automated Weather Station (AWS) para sa QC Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).
Kasalukuyang nakakabit sa roofdeck ng DRRMO Building ang AWS na layong mapaunlad pa ang kahandaan ng pamahalaang lungsod sa anumang sakuna.
Sa tulong ng AWS, mas magiging accurate ang masasagap na datos ng iRiseUp system partikular na sa rainfall, heat index, air quality, at windspeed sa QC.
Kasama ng alkalde sa seremonya sina DRRMO head Bianca Perez, Department of the Interior and Local Government – QC Director Emmanuel Borromeo, Assistant Regional Director Atty. Ana Lyn Baltazar-Cortez, at mga kawani ng DDRMO.




