Pormal nang nailipat sa 66 na pamilyang benepisyaryo ang titulo ng housing units mula sa Children International sa Damong Maliit, Bgy. Nagkaisang Nayon.

Nai-turnover na rin sa Pamahalaang Lungsod ang mga open spaces sa lugar.

Tinanggap ng mga benepisyaryo ang kanilang mga titulo, kasabay ng paglagda ng Deed of Donation and Acceptance para sa open spaces sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte at Mr. Raymond Ciriaco, chairman of the board of trustees ng Children International (Unang Lingap Kapwa Phils. Inc.) kasama si Atty. Jojo Conejero ng Housing Community Development and Resettlement Department at ilang kasapi ng Unang Lingap Kapwa Homeowners Association.

Lubos na nagpapasalamat ang pamunuan ng QC LGU sa Children International sa ipinagkaloob nilang housing units para sa mga benepisyaryo ng programa, at open spaces naman para sa lokal na pamahalaan. Makakaasa po kayo na pangangalagaan at pananatilihing maayos at kapaki-pakinabang para sa QCitizens ang inyong donasyon.