Bagong commuter vans para sa mga barangay sa District 1!

Ibinigay na ng Quezon City Government ang mga bagong commuter van para magserbisyo sa mga QCitizen ng unang distrito.

Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na tanging sa official functions at barangay engagements lamang dapat gamitin ang mga bagong sasakyan.

Kasama rin sa turnover ceremony ng mga commuter van sina Majority Floor Leader Coun. Dorothy Delarmente, Coun. Charm Ferrer, Coun. TJ Calalay, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, Barangay and Community Relations Department (BCRD) Head Ricardo Corpuz, General Services Department (GSD) Head Fe Bass, mga konseho ng mga barangay at Mr. Gab Atayde.

Nauna nang nai-turnover ng lungsod ang community vans para sa mga barangay ng Districts 2,3,5, at 6.

+48