May bago nang service vehicle para sa mga barangay sa district 4!
Ibinigay na ng Quezon City Government ang mga bagong commuter van na magagamit ng mga barangay official at residente ng 38 barangay sa ikaapat sa distrito.
Pinalalahanan ni Mayor Joy Belmonte ang mga opisyal na pangalagaan ang mga sasakyan na magagamit nila sa iba-iba nilang programa at aktibidad.
Kasama ni Mayor Joy sa distribution ng mga service vehicle sina Coun. Nanette Castelo-Daza, Liga ng mga Barangay President Coun. Mari Rodriguez, District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate, General Services Department Head Fe Bass, at Atty. Vincent Belmonte.




