Ibinahagi ng Czech Embassy sa QC Government ang ilang aklat na “Kaibigan-Přátelé: Czech-Philippine Cultural and Diplomatic Dialogue” na may-akda nina Dr. Ambeth Ocampo, Deputy head of mission Dalibor Mička, at dinisenyo ni Ige Ramos.
Tampok sa aklat ang kasaysayan ng cultural at diplomatic exchange sa pagitan ng Czech Republic at Pilipinas.
Iprinisenta ni Office of the City Mayor External Relations Officer Maria Teresa Tirona kina Mayor Joy Belmonte at QC Public Library OIC Mariza Chico ang ilang kopya para sa pampublikong aklatan ng lungsod.