Maraming salamat sa ACE events, organizer ng POP QC Mercadillo sa Quezon Memorial Circle, sa ibinigay nitong P500,000 para sa Learning Recovery Fund ng Quezon City!
Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang cheque mula sa ACE, kasama sina Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) head Mona Yap, Education Affairs Unit chief Maricris Veloso, Schools Division Office Superintendent Carlene Sedilla, at mga kinatawan mula sa City Treasurer’s Office.
Pormal na ring nai-turnover ang P103,722 na kinita ng KILO/S KYUSI: Kilo Store ng Bayan Para sa Kinabukasan Charity Bazaar na para rin sa Learning Recovery Fund.
Ang POP QC Mercadillo at Kilo/s QC booth ay naging bukas noong Disyembre 2023 hanggang Enero 1, 2024 sa QMC.