Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pormal nang nai-turnover sa 65 beneficiaries mula Districts 2, 4, at 6 ang e-trikes sa pangunguna ng Department of Public Order and Safety (DPOS).
Pinangunahan nina DPOS Head Gen. Elmo San Diego at Councilor Dok G Lumbad ang ceremonial turnover na bahagi ng ‘QC E-Trike Project’.
Kabilang sa mga benepisyaryong nabigyan ng e-trike ay mula sa Brgy. Payatas, Brgy. Batasan Hills, Brgy. Paligsahan, Brgy. Obrero, Brgy. Kalusugan, at Brgy. Culiat.
Ang programang ito ay bahagi ng green initiatives ng Quezon City tungo sa pagiging eco-friendly na lungsod.








