Pormal nang ibinahagi sa Barangay South Triangle ang fire truck na donasyon mula sa Shangri-La Properties, Inc.
Nanguna sa turnover ceremony si Mayor Joy Belmonte at malugod na tinanggap ng barangay officials na pinamumunuan ni Punong Barangay Beverly Gaw.
Kasama rin sa seremonya sina Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz at Liga ng mga Barangay President Coun. Mari Rodriguez.
Handang umaksyon ang pamahalaang lungsod pagdating sa kaligtasan ng QCitizens.
