Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang turnover ng pitong bagong fire trucks para sa mga fire stations sa iba-ibang bahagi ng lungsod.
Makikinabang dito ang West Triangle, Matandang Balara, Pinayahan, Palmera (Sta. Monica), Fairview, Kingspoint (Bagbag), at Baesa Fire Sub-Stations.
Nakiisa sina QC Fire District Marshal Dondon Samillano at District Action Officers sa turnover ceremony.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng fire response at emergency preparedness ng lungsod.










