Personal na iniabot ni Mayor Joy Belmonte kay Schools Division Superintendent Carleen Sedilla ang unang pondong nalikom mula sa Kilo/s Kyusi Store na pinasinayaan ngayong buwan sa Quezon City Hall Park and Lagoon.

Ang nalikom na pondo ay ilalagay sa QC Learning Recovery Trust Fund para magamit sa Zero Illiteracy Program ng lungsod.

Kasama ng alkalde sa ceremonial turnover sina Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office head Mona Yap at Education Affairs Unit OIC Maricris Veloso.